DEROB DRAMA 5: “balahibong puso”

Posted on August 22, 2005 by derob.
Categories: derob drama.

hindi ko kinaya talaga, mga mag 10pm na ata, kanina lang, asa A.Bonifacio corner Mauban St. sa qc. pauwi nako.  Naka pula pa ang stoplight so nkahinto kami, asa harap ko isang bus(papunta cguro sa Baguio). Naghihintay lahat kaming mga sasakyan ng berde para makausad na at makarating sa pinaroroonan.  Ang laki ng Bus, hindi ko na maalala ung pangalan ng bus, bagong modelo ito, kagaya ng mga bus ng Farinas, RRCG at G.liner……Nag BERDE na!!! pero hindi naman kami lahat nagmamadali, wala naman trapik eh, ang lakas ng kasi ng ulan kaninang hapon, binaha ang kamaynilaan.  Kaka-go palang at sa hindi malamang dahilan bigla ako napatingin sa ilalim ng bus…..Gustong kumawala ng isang pusa sa "pagkakaipit ng ibabang kalahati" ng kanyang katawan sa dobleng naglalakihang gulong ng bus.  Nadaanan ang tumatawid na pusa ng bus nung biglang nag go ang stoplight.  Panandalian lang ang pangyayari, bilog ang gulong, dali naman agad nakawala ang pusa…..tumatakbo gamit ang dalawang paa sa harap, hatak-hatak ang mistulang patay niyang kalahati.  Nagulat nga ako at buo pa ung kalahati niya, kadalasan maiisip natin na dapat labas bituka kapag nasagasaan ng sasakyan lalo nat napakalaki at bigat nito.  Pero maaaring durog o napisa na ang mga lamangloob na naapektuhan, natatakpan nalang siguro ng kanyang balat.  Mabilis ang pangyayari, gumilid siya sa island ng highway, at akoy umabante rin kaagad dala ang mabigat na pagiisip at konsensiya. Hindi ko kinaya at binalikan ko ang lugar ng pangyayari, nag u-turn ako.  Binagalan ko ang pagmamaneho para makita kung kamusta na ang pusa.  Nasagasaan na kaya siya ng tuluyan? kasi baka tumawid ulit siya pabalik hatak ang kalahati niya, o di kaya’y nasagasaan dahil sa kakalupasay sa sakit niyang nararamdaman.  Nag bright ako ng headlights kasi ang dilim na at para makita ko ung pusa(kung saan man siya) kaagad.  Nakita ko siya, nakaupo sa gilid ng island(mataas kasi ung island), ung upo niya ay upo na parang galing sa pagkakahiga ba.  Pero dahil nakasaksi ako sa nangyari, alam ko ung nakahilatang part niya ay hindi na gumagalaw.  Nakapikit siya, maaaring nasisilaw sa ilaw ko, pero napaka kalmado ng kanyang itsura, parang wala siyang nararamdaman na sakit, parang siyang may iniisip, iniisip siguro niya ang kanyang buhay pagkatapos ng nangyari sa kanya.  Wala ako magawa, wala sa balak ko na hintuan siya, talagang dinaanan ko lang.  Nahahati ang loob ko, parang gusto kunin at ipagamot, kaso baka malapit narin siya matuluyan, at wala ako pera para dalin ko sha sa vet sa malabon, wala rin magaalaga sa bahay, mei pasok ako.  Sobrang awang-awa ako, halos mangiyak-ngiyak ako.  Sana may pound na dito din kaso hindi pa priority ng qc yan.  Sana hindi ganon kakritikal at makarecover na lang siya.  Aksidente ang 1230313943pangyayari, hindi pwedeng masisi ang bus, hindi niya ito tanaw.  Hindi ko masisi ang pusa, ano malay niya sa stoplight, and besides, pusang gala. hanggang ngayong nakakunot parin ang ulo ko at iniisip ung nangyari, tinotopak nanaman bako? awang awa talaga ako…

DEROB DRAMA 4: ‘Noodles and Church”

Posted on August 19, 2005 by derob.
Categories: derob drama.

kumakain ako ng instant mami(with egg) habang tina-type ko itong post na ito.  tapos bigla ako nasamid habang kinakain ung noodles, napaubo ako, tuloy nailuwa ko ung noodles pabalik sa mangkok.  kadiri, bumubula pa, tapos tinuloy ko ung pag ubo ko, at kumain ulit ako ng noodles. Nakalimutan ko na andun din ung niluwa ko. Pero ok lang, wala pang 5 mins.

PorkWaaaah!!! ang dami ko nang oras!!! pero bakit hindi parin ako makagawa ng design studies ng simbahan!!!!! labo ko.   Anyway, bago mag drawing, paka senti muna ako:

Make me feel again
Slide across my skin again
Let me uncover you to rediscover you
And I will open up
If you promise to give in
On this perfect night
Let the two of us be one
We will be again another time
No matter what all the others say
Cause I would leave it all so far behind
Just to be with you today
So make me feel again
Feel your every breath again
Nevermind everyone
There’s only me and you
We will be again another time
No matter what all the others say
Cause I would leave it all so far behind
Just to be with you today
Just to be with you today
Just to be with you today
Just to be with you
We will be again another time
No matter what all the others say
Cause I would leave it all so far behind
Just to be with you today
So we will be again another time
And I will do all I need to do
To leave the others all so far behind
Just so I can be
Just so I can be….
….With you, with you, with you, with you….

DEROB IS BORED 1: “maraming dapat ikwento 4 d past 2 weeks”

Posted on August 7, 2005 by derob.
Categories: derob is bored.

pero nkakatamad ikwento, basta iba-iba at masaya naman.  Maraming happenings, sari-saring mga tao, ibat-ibang lugar, walang pinipiling oras.  Basta wag lang pabayaan ang review.  Kelangan matuto ulit ma2log at magising ng maaga derob.