DEROB DRAMA 5: “balahibong puso”

Posted on August 22, 2005 by derob.
Categories: derob drama.

hindi ko kinaya talaga, mga mag 10pm na ata, kanina lang, asa A.Bonifacio corner Mauban St. sa qc. pauwi nako.  Naka pula pa ang stoplight so nkahinto kami, asa harap ko isang bus(papunta cguro sa Baguio). Naghihintay lahat kaming mga sasakyan ng berde para makausad na at makarating sa pinaroroonan.  Ang laki ng Bus, hindi ko na maalala ung pangalan ng bus, bagong modelo ito, kagaya ng mga bus ng Farinas, RRCG at G.liner……Nag BERDE na!!! pero hindi naman kami lahat nagmamadali, wala naman trapik eh, ang lakas ng kasi ng ulan kaninang hapon, binaha ang kamaynilaan.  Kaka-go palang at sa hindi malamang dahilan bigla ako napatingin sa ilalim ng bus…..Gustong kumawala ng isang pusa sa "pagkakaipit ng ibabang kalahati" ng kanyang katawan sa dobleng naglalakihang gulong ng bus.  Nadaanan ang tumatawid na pusa ng bus nung biglang nag go ang stoplight.  Panandalian lang ang pangyayari, bilog ang gulong, dali naman agad nakawala ang pusa…..tumatakbo gamit ang dalawang paa sa harap, hatak-hatak ang mistulang patay niyang kalahati.  Nagulat nga ako at buo pa ung kalahati niya, kadalasan maiisip natin na dapat labas bituka kapag nasagasaan ng sasakyan lalo nat napakalaki at bigat nito.  Pero maaaring durog o napisa na ang mga lamangloob na naapektuhan, natatakpan nalang siguro ng kanyang balat.  Mabilis ang pangyayari, gumilid siya sa island ng highway, at akoy umabante rin kaagad dala ang mabigat na pagiisip at konsensiya. Hindi ko kinaya at binalikan ko ang lugar ng pangyayari, nag u-turn ako.  Binagalan ko ang pagmamaneho para makita kung kamusta na ang pusa.  Nasagasaan na kaya siya ng tuluyan? kasi baka tumawid ulit siya pabalik hatak ang kalahati niya, o di kaya’y nasagasaan dahil sa kakalupasay sa sakit niyang nararamdaman.  Nag bright ako ng headlights kasi ang dilim na at para makita ko ung pusa(kung saan man siya) kaagad.  Nakita ko siya, nakaupo sa gilid ng island(mataas kasi ung island), ung upo niya ay upo na parang galing sa pagkakahiga ba.  Pero dahil nakasaksi ako sa nangyari, alam ko ung nakahilatang part niya ay hindi na gumagalaw.  Nakapikit siya, maaaring nasisilaw sa ilaw ko, pero napaka kalmado ng kanyang itsura, parang wala siyang nararamdaman na sakit, parang siyang may iniisip, iniisip siguro niya ang kanyang buhay pagkatapos ng nangyari sa kanya.  Wala ako magawa, wala sa balak ko na hintuan siya, talagang dinaanan ko lang.  Nahahati ang loob ko, parang gusto kunin at ipagamot, kaso baka malapit narin siya matuluyan, at wala ako pera para dalin ko sha sa vet sa malabon, wala rin magaalaga sa bahay, mei pasok ako.  Sobrang awang-awa ako, halos mangiyak-ngiyak ako.  Sana may pound na dito din kaso hindi pa priority ng qc yan.  Sana hindi ganon kakritikal at makarecover na lang siya.  Aksidente ang 1230313943pangyayari, hindi pwedeng masisi ang bus, hindi niya ito tanaw.  Hindi ko masisi ang pusa, ano malay niya sa stoplight, and besides, pusang gala. hanggang ngayong nakakunot parin ang ulo ko at iniisip ung nangyari, tinotopak nanaman bako? awang awa talaga ako…

4 comments.



Comment on August 26th, 2005.

eto honest lang ako. walanghiya ka kuya! muntik na pumatak ang luha ko,,muntik na, sinasabi ko sayo…
at teka, baket hindi mo kinwento ito sa bahay.

etong kuya ko. maliit palang kame, mejo malaki palang ng konti sa pusa, ay talagang pusa lang ang pet namin bukod sa mga goldfish na nabibili na nasa plastik. never kami nagka aso. para bang ang puso namin ay mas sa pabor sa pusa kung ikukumpara sa aso.

kamusta na kaya yung bus? partikular yung gulong nito?

  GP
Comment on August 30th, 2005.

totoo ba itong “rolled-over pussy” story mo??

poor pussy. left to die.

you bastard!

hehehe!

tite power.

Comment on September 8th, 2005.

ganyan ka na pala!!! kung yung utol mo muntik ng maiyak, ako nanggagalaiti sa inis. grrrr!!! binalikan mo pa yung pusa,, ala ka rin palang magagawang tulong! sana dinalhan mo na lang kahit pagkain o tubig man lang! kung nakawitness ka pala ng crime,,, babaliwalain mo din! nagbago ka na!!! shyet!@ di bale,,, may karma ka din! gagawa na lang ako ng letter of request sa Q.C city hall na tanggalin ang traffic light doon para wala ng ganung incident na magyari uli…. miss ya!

  derob
Comment on September 9th, 2005.

the next night after the incident….pisa at durog-durog na tuyong laman at balahibo ang nadaanan ko crime scene. Two possibilities: he/she tried to cross back sa pinanggalingan nya(dragging half of its body) then nasagasaan ng rumaragasang trak, or biglang nag collapse(coz of internal bleeding and internal salad) then tsaka nasagasaan. i go for the latter. sori mom, nag hugas kamay ako sa scene, hindi na dapat ako bumalik….sniff

Leave a comment

Names and email addresses are required (email addresses aren't displayed), url's are optional.

Comments may contain the following xhtml tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>